Jan
26
We asked our readers what they think the solution is to the many streetchildren in our community.
Here are their answers:
“No corruption, more jobs, affordable and quality education, family planning and also youth programs and donations and financial supporters are needed.”
“Pano kasi, di sila naghihigpit.” “Tama. Ang DSWD puro palabas ang pera. Kaya walang budget. Pag DPWH yan, laki ng budget. Para laki din kickback.”
“Local municipal should bring those kids sa DSWD.”
“Proactivity in dealing with the problem is the solution.”
“madaming solution dyan, kung mag joint effort ang LP, Pque at Munti, magkaroon ng parang halfway house for them, tapos hanapin lang magulang nila…hanap ng permanent at mga volunteers na tutulong…sa dami ng mga nagsusulputan biz dito sa area, i dont think mahihirapan sa funds…(i think)”
“dapat talaga mabawasan na sila. nakakalat na lang talaga sa kalsada e. safety hazard.” Effective reinforcement of laws..
Bring the kids to DSWD like what Mr. Luigi Casimiro had said. If there is a possibility to talk to Rotary Club of Las Pinas, Paranaque, or Alabang it will be a big help since Rotary help in building a better community like in Makati and Pasay.
its true ksi nmn may budget ang govt. which they give s dswd….. to tell you frankly… before i complainted s dsdw ksi i saw an old lady s muntinlupa across lang ng dswd… asking for help when me n the old lady got to dswd alam niyo bang di nila iniintertain ung mga ganun….case which in fact un ang work nila….
tama ka dyan luigi, trabaho nila, di nila ginagawa…ano pa gagawin natin kung maging pro active…halfway house lang, tapos hanapin ang magulang…ang problema kasi, pag ang goverment, pag di tungkol kay arroyo cornona, di na nila pinapansin…
these kids are being used by their parents/pimp to earn money.. actually saw an older man call all the kids one evening and he collected all the coins from them and even took a t-shirt from a child that had been given to her…i wish i had a camera….sigh….
tama, pwede naman kasi…puro lang pasaway…nag kanya kanya goverment ng LP, PQUE, MUNTI…dats what I see…
i suggest na magkaroon sana ng FREE TUTORIAL CENTER sa mga streetchildrens.. ipaunawa naten sa kanila na importante ang EDUKASYON.. and don’t 4get to pray..
ilagy sa boys town or girls town .. para d na gumala at ng mkapag aral
gawin ng DSWD ang trabaho nila!!!
actually ndi lng nman tlga ang DSWD ang dapat gumawa nia. kundi lahat ng mga opisyales ng gobyerno.. dapat mag tulungan .. am i ryt? aq? gusto q maging teacher ng mga batang yan..
bat d kaya ang mga magulang nila ang bigyan ng counselling, minsan cla pa ang nagppush s anak nla lumaboy s kalye…kung wala nmn cla parents, let d DSWD to do thier job…
religous round up and policing by dswd and other local officials, HINDI DAPAT NINGAS KUGON!
parents must be made liable for the minors begging
these kids normally run away from drop-in centers. the anti-mendicancy law should be strictly enforced.
vasectomys and ligation
I think they should be reported to the DSWD. Even the rugby boys along Southland.
they should really round up these kids and detain them via DSWD or something similar. The police kasi just watch these kids
make the parents of the said streetchildren accountable
detention.
the rh bill.
Mar
17
Maynilad diggings, kalbaryo
Filed Under Reyklamador! | Leave a Comment
Mr. Rey V. Constantino
Reyklamador/Taliba
Kung baga sa plaka ay tila long playing ang tinutugtog ng Maynilad sa pagkakamada nila ng linya ng tubig sa kahabaan ng Zapote-Alabang road. Kaya naman napapraning na ang mga dumadaan doon dahil sa usad pagong na monster trapik mula Zapote, Las Pi?as hanggang Alabang, Muntinglupa. Pulutong ang mga taong gumagamit ng ZA road sa araw araw na ginawa ng Diyos kaya naman mala-sardinas ang mga sasakyan dito sa tuwing iluluwa sila ng napakaraming subdivision na kaliwa’t kanang nakatirik sa dalawang siyudad.
Nagsimula ang kalbaryo ng mga residente nang walang patumanggang bungkalin ng walang warning noong isang taon ang ilang parte ng ZA road ilang buwan bago mag-pasko. Sa gitna pa man din ng kalsada sila naglalatag ng kanilang mga tubo at siyempre nasa gitna din ang kanilang mga heavy equipment at barikada. Resulta: ang dati nang sukdulan ng trapik na lugar ay nagmistulang hinalong kalamay. Marami pa namang buwang na drayber ng bus at dyipni ang pumapasada sa sumikip na kalsada. Tila naging katuwaan na nila ang siksikin at gitgitin ang mga kawawang maliliit at magagarang sasakyan na walang magawa kundi magpasulot na lang.
Ang masama pa nito ay ang mga dating namumuktati sa ilaw na mga barikadang nakapalibot sa mga malalaim nilang hukay ay mistulang driving hazard na ngayon. Sino kayang Herodes ang nagpaalis ng warning lights doon? Medyo may kadiliman pa naman ang kahabaan ng kalsadang ito kaya’t hindi ako magtataka kung isang araw ay may sumemplang na lang na mga sasakyan sa dyan sa mga Maynilad diggings.
Kailan kaya matatapos ang pagpapahirap ng Maynilad sa mga residente ng dalawang siyudad? Sabi ng mga nakapaskel sa diggings na malapit na raw dumaloy ang ginhawa pero ang daloy ng trapik naman ang sumikip. At tila nagtitipid pa sa budget. kapansin-pansin kasing tila kakarampot ang mga trabahador sa mga construction site. Nangangamba tuloy ang mga motorista na sa pagpasok ng tag-ulan ay baka lalong magkawindang-windang ang dati nang konsumisyong trapik roon.
Sana ay huwag naman itong mangyari dahil matagal nang nag-umpisa ang kalbaryo ng ating mga kapatid, kapuso at kapamilya doon. Ibaon na lang kaya sila sa mga hinukay nilang butas? Kamakailan ay nagbungkal na naman ang Maynilad sa gitna ng daan dyan sa intersection sa ilalim ng Zapote overpass na nagdulot na naman ng panibagong sakit ng ulo sa mga dumadaan doon. Ni wala silang warning sign na may bungkalan blues pala sa lugar kaya’t pag napasok ka doon e nadothin ka na.
Hindi kaya pwedeng i-overtime yan para naman guminhawa na ang mga tao? Siyempre kapag natapos yan ng maaga mas maaga din silang makakapaningil. Ang masama lamang ay baka pagnakumpleto na ang proyekto na yan e matulad ang Maynilad sa Meralco at mga oil company na wala na yatang inisip kundi magtaas ng presyo.
Sana ay pagplanuhan din ng pamahalaan ng Las PI?as kung paano pang mapapaginhawa ang mga motorista sa siyudad. Malaking tulong ang Friendship route kaya lang ay may ibang subdivision namang nananamantala at ginagawang negosyo ang pagpasok sa kanilang mga village kung saan ay hindi ka papapasukin kung wala kang village sticker. Aba’y kamamahal ng sticker nila lalo na dyan sa BF Homes Para?aque na mahigit P1,000 yata ang bentahan.
Today’s pulpul-litiko special: Kung sa kapalpakan sa pagpili ng tao ang paguusapan ay talagang subok na itong si P’Noy. Bakit kamo? E sabit na naman kasi itong pinili nyang executive secretary na si Paquito Ochoa. Biulgar ng ABS na may malaking haybol pala ito dyan sa White Plains na hindi nakadiklara sa kanyang statement of assets and liabilities. Ang palusot ni ES ay hindi daw nakapangalan sa kanya ang sinasabing P40 milyon mansion. Ibig bagang sabihin nito ay lusot din sina General Garcia at Ligot dahil hindi sa kanila nakapangalan ang mga ari-ariang ibinibintang sa kanila.
Nauna rito ay si Customs Commissioner Lito Alvarez na nahuling nandaya ng iskor sa isang golf tournament. Sinundan ito ng pagkakasangkot sa jueteng scandal ni DILG undersecretary Rico Puno na nagka-instant amnesia nang busisiin ng mga senador kung sino ang sinasabi nyang mga taong humihingi ng kanyang proteksyon. Nandyan din si LTO head Torres na nasangkot naman sa carnapping, at siyempre kasama din sa kapalpakan ang mga communications expert kuno niya na wala yatang ginawa kundi ipahamak ang haciendero nating pangulo. Ang tanong e bakit walang nasisipa. #######
Feb
25
By Rey Constantino
Idineklara kamakailan ni Muntinglupa City Mayor Aldrin San Pedro ang pagiging plastic-free nito alinsunod sa naunang ordinansang pinagtibay ng city council upang mahinto na ang paggamit ng plastic bags sa mga malls at tindahan doon. Katuwang nila sa magandang hakbanging ito ang Savemore Market Muntinglupa na kamakailan lang ay nagbukas ng kanilang 41st ng sa main road ng nasabing lungsod.
Sa Savemore Market, mga paper bags, cartons at reusable bags ang ginagamit ng mga shopper. Naglabas na din ng bagong design ang SM Green bag na mabibli sa halagang p10. Mas madaling mamili sa Savemore Market dahil dito matatagpuan ang mga paboritong meat cut, seafood, mga gulay at fresh fruit sa murang halaga. Matatagpuan din ang mga ready-to-cook items tulad ng pork tonkatsu, chckent pandan at marinated meats. Sa appliance sector ay may buy-one-get-one appliances gaya ng electric fans, TV sets at iba pa.
May parking convenience din ang mga mamimili dito dahil bukod sa malawak ang paradahan, may extra service pang tulad ng Libre Hatid sa pinakamalapit na sakayan o parking lot. May extra services din kamukha ng Bills Payment, Foreign Exchange, Special Lanes for Seniors at Watson Pharmacy para sa mga kailangang gamot. Ina-advise na magdala ng reusable bag or green bag para makakuha ng 2 points katumbas ng P2 sa SM Advantage Card. Nakatulong ka na sa ekolohiya, may reward ka pa. #######
Dinagsa Festival sa Muntinglupa
Muntinglupa celebrates Dinagsa Festival – Sto. Niño de Muntinglupa Fiesta on Feb. 26-27. Held annually on the Sunday before Ash Wednesday, the celebration is a tribute to the city’s patron saint. The event gathers artisans, street cancers and marching bands to represent the festive traditions. Highlight is the street-dancing parade with on-the-spot photo contest in the Muntiglupa Sports Complex on Feb. 2, 3 pm. The grand marching band parade and exhibition, religious procession, fireworks display and variety show will be on Feb. 27. Call 8626454 or 0916-5525036 or visit www. Muntinlupacity.gov.ph.
Feb
21
Muntinglupa
Filed Under Muntinlupa, Reyklamador! | Leave a Comment
Idineklara kamakailan ni Muntinglupa City Mayor Aldrin San Pedro ang pagiging plastic-free nito alinsunod sa naunang ordinansang pinagtibay ng city council upang mahinto na ang paggamit ng plastic bags sa mga malls at tindahan doon. Katuwang nila sa magandang hakbanging ito ang Savemore Market Muntinglupa na kamakailan lang ay nagbukas ng kanilang 41st ng sa main road ng nasabing lungsod.
Sa Savemore Market, mga paper bags, cartons at reusable bags ang ginagamit ng mga shopper. Naglabas na din ng bagong design ang SM Green bag na mabibli sa halagang p10. Mas madaling mamili sa Savemore Market dahil dito matatagpuan ang mga paboritong meat cut, seafood, mga gulay at fresh fruit sa murang halaga. Matatagpuan din ang mga ready-to-cook items tulad ng pork tonkatsu, chckent pandan at marinated meats. Sa appliance sector ay may buy-one-get-one appliances gaya ng electric fans, TV sets at iba pa.
May parking convenience din ang mga mamimili dito dahil bukod sa malawak ang paradahan, may extra service pang tulad ng Libre Hatid sa pinakamalapit na sakayan o parking lot. May extra services din kamukha ng Bills Payment, Foreign Exchange, Special Lanes for Seniors at Watson Pharmacy para sa mga kailangang gamot. Ina-advise na magdala ng reusable bag or green bag para makakuha ng 2 points katumbas ng P2 sa SM Advantage Card. Nakatulong ka na sa ekolohiya, may reward ka pa. #######
Jan
17
Pedestrian overpass sa LP, sayang
Filed Under Reyklamador! | Leave a Comment
Mr. Rey V. Constantino
Reyklamador/Taliba
Enero 13, 2011
Maliban sa Makati, ang Las Piñas lamang marahil ang siyudad sa Kalakhang Maynila na masasabing nating bukod tanging moderno ang mga pedestrian overpass. Bongga talaga dahil lahat ay may escalator na di dapat ismolin sapagkat umaandar sila mula umaga hanggang gabi. Lima ang ganitong overpass sa kahabaan ng Zapote-Alabang road na siyang pinaka-main street ng lungsod.
Noong itinayo ang mga nasabing overpass may ilang taon na rin ang nakalilipas, malaking papuri ang natanggap ng pamahalaang lokal. Tila hulog ito ng langit sa mga residenteng matatanda at may kapansanan na palaging nalalagay sa peligro tuwing tatawid sa Alabang-Zapote road na pugad ng mga rumaragasang dyipni at bus na minamaneho ng mga barumbadong drayber.
Hindi din umano uso sa mga dyip doon ang nagbubukas ng headlight sa gabi kaya nga ingat ang tao sa pagtawid. Bakit nga ba hindi hinuhuli ang mga luko-lukong drayber na ito?
Isa pa, malaking ginhawa din ang dulot ng mga overpass sa mga motorista. Bumibilis kasi ang daloy ng trapik kapag walang pasaway na mga jaywalker na bigla na lamang walang pakundangang sumusulpot patawid at di alintana ang mga dumarating na sasakyan. Kaya naman kung minamalas-malas ka’t may malalim na iniisip ay baka may ihatid ka pa sa ospital dahil makakabundol ka talaga kung hindi ka alerto sa pagmamaneho.
Napakaganda ng proyektong ito ni Las Piñas Mayor Vergel “Nene” Aguilar. Maraming Las Pinyerong natuwa at humanga sa kanya nang ipatayo niya ito. Bigla kasing napabilang ang lugar sa mga sosyal na siyudad ng Metro Manila. Noong panahong iyon, daig pa nito ang Quezon City na sinasabing Capital of the Philippines na napakalaki ng kinikita sa buwis.
Mga proyektong ganito ang isa sa mga dahilan kung bakit malakas at di mapalitan ang mga Aguilar sa LP. Ang problema nga lang ay tila nasasayang ang malaking perang ginugol ni mayor sa mga istrakturang ito. Pwera doon sa harapan ng SM Southmall, kapansin-pansin kasing tila wala nang masyadong gumagamit ng mga overpass lalo na daw dyan sa tapat ng Uniwide. Katunayan ay nabubulok na din daw ito dahil sa walang nagaasikaso kaya naman dating gawi muli at nakikipagpatintero na naman ang mga pedestrian sa mga humahagibis na sasakyan tuwing tatawid.
Ganito din daw ang eksena sa Zapote kaya naman bumabagal ang trapik lalo na kung oras ng pasukan o uwian. Nabagsakan din ang mga pedestrian doon ng katam(aran) kaya’t ayaw nang pumanhik sa overpass. Ang masama e imbes na pagsabihan ng mga trapik aide na gumamit ng overpass e sila pa mismo ang pumipigil sa mga sasakyan upang makatawid ang mga batugan. Resulta, more traffic!
Maganda siguro kung matuturuan ng kahit na kunting disiplina ang ating mga kababayan diyan sa LP para naman umayos ang kanilang lungsod. Isa pa ay para din nilang hindi binibigyang halaga ang pagsisikap ng pamahalaang lokal upang maging maganda ang imahe ng siyudad. Baka nalilimutan nilang sa mga residente rin nagmula ang iginugol dito kaya naman sana gawin nila itong kapaki-pakinabang.
Tutal naman ay nasa Las Piñas na tayo, baka naman gustong bigyang pansin din ni mayor ang hinaing ng mga car owner dyan sa tapat ng Mercury Drug at South Star sa harapan ng Star Mall. Inire-reklamo nila ang mga watch-your-car boy sa lugar dahil nagagalit ang mga ito kapag maliit ang bigay ng mga motorista e kung tutuusin ay hindi naman sila dapat bayaran. Natatakot daw sila tuloy pumarada doon. Isa pa, balitang may bahay namang nilooban sa loob ng Philam Village noong nakaraang Disyembre. Hindi ba may nabudol-budol din sa village na ‘yan noong isang buwan din? Baka pwedeng rondahan ito ng mga pulis paminsan-minsan.
Today’s pulitiko special: Hindi daw prayoridad kay P’Noy ang charter change. Tama siya. Mas maganda siguro kung i-change na lang niya muna ang mga palpak niyang cabinet member na nagkakalat, tulad ni Energy Sec. Rene Almendras, Customs Commissioner Lito Alvarez, Exec. Sec. Jojo Ochoa at Communications something something na si Ricky Carandang. #######






