Jan
16
Adios suplementos: According to Time Health Report, it may be time to toss the beta carotene pills since scientists find that daily supplements do nothing to lower the chances of dying from cancer or cardiovascular disease. Still, it says that eating fruits and green vegetables rich in nutrients appears to reduce the risk of disease; researchers now suspect that this is due to an overall healthy diet and not to beta carotene. Now you know where to put your money, and that is on fresh fruits and green, leafy vegetables.
Hart needs an E: Foods rich in vitamin E may offer protection against heart disease, a study published in the New England Journal of Medicine reveals. According to the study women who consume plenty of E-rich vitamin foods cut their chances of heart disease by almost two-thirds.
The best source of vitamin is found in vegetable oils high in polyunsaturated fats such as corn, soybean and sunflower oils. Other good sources are margarine made primarily from vegetable oils, vegetable shortening, wheat germ oil and nuts.
Honey S-facial: There’s a cheaper way of doing a facial which is just as good as the one you get at your expensive beauty parlor. And it’s very simple. Just steam your face by holding your head for a few minutes to open to up the pores. A hot towel may also do. Then put honey on your face and leave it until it gets a bit sticky
After about ten minutes, pat your face with the palm of your hand to pull out the dirt and blackheads. Take out the slightly hardened honey by wiping your face with a hot face towel then your homemade facelift is complete. Now feel the soft and smooth texture of your skin.
Bumping bumper stickers: Sometimes the stickers our beloved teenage kids put in the family car’s bumper are enough to cause our sudden demise especially when you are dying to scrape them off pronto but feel helpless because you don’t know how. One such sticker placed there by a son feeling aggrieved after being grounded for one week for walking naked in the living room while a noisy party was going on in a neighbor’s house proclaimed, “God is not dead. He’s just sleeping in the master’s bedroom.”
Despair no longer because you don’t have to be stuck with this problem. To remove old and faded stickers, just paint vinegar over them, let it soak then scrape the offending stickers off. To avoid scratching the bumper or windshield, use a small wooden spatula or anything that is not sharp and pointed. #######
Dec
16
Munti cracker ban, maraming umaray
Filed Under Reyklamador! | Leave a Comment
By Rey V. Constantino (Reyklamador)
Marami ang nagulat dahil mukhang hindi napag-aralan at naplantsa ng husto ang ipinatutupad ngayong firecracker ban sa Muntinglupa. Bakit daw kasi tila atrasado ang pagpapalabas nito. Lumabas umano ang utos ni Mayor Aldrin San Pedro nito lamang huling linggo ng Nobyembre.
Hindi siguro naisip ni meyor na marami-rami ring negosyante ng paputok ang napinsala ng pagbabawal niyang ito. Pati daw ang mga kababayan nating umaasang magkakaroon ng kayod ngayong kapaskuhan ay nadismaya din. Biglang naglaho ang kanilang pang-Noche Buena. Okey lamang daw sa kanila kaya lang sana ay inilabas kaagad ang orden. Lumalabas kasing naperwisyo ni meyor ang mga nagbebenta ng paputok na taon-taon ay namumuhunan ng daan-daang libong piso para kumita kahit man lang minsan isang taon. Walang dudang maganda ang layunin ng alkalde pero sana naman ay pinag-aralan niyang mabuti ang timing ng ban. May kaparapatan din naman ang mga negosyante at kanilang mga empleyado, de vah?
Nakapamili at nag-imbak na raw ang mga ito ng mga ng paputok na hindi na yata maisauli sa kanilang pinagkunan kaya’t imbes na kumita, malaking lugi ang kanilang naging pamasko. Balitang meron din daw na nakapag-down payment na sa mga malls at malalaking pwesto sa lungsod na maibalik man sa kanila ang kanilang DP ay malaki na ang kaltas.
Sa nasabi na nga namin noon, hindi ban ang solusyon sa mga aksidenteng may kinalaman sa paputok taon-taon. Bakit paparusahan nila ang marami sa katangahan ng ilan. Baka kalaunan e sumunod na ang ibang mga siyudad at hindi na ika nga pambihira o Pinoy style ang selebrasyon ng pagsalubong ng bagong taon dito sa Metro Manila. Pero sa tingin namain e mahirap, kung hindi man imposible, ang ipagbawal ang isang tradisyon.
Mas maganda niyan ay gawin na lang ligtas ang paputok. Mapapansin na halos lahat ng nadidisgrasya taon taon ay napuputukan sa kamay. Bakit di na lang lagyan ng mga tangkay o hawakan ang mga paputok para di na hinawawakan pa? Kahit siguro lasing at mga batang pasaway ay magiging ligtas sa kapahamakan.
Tanga na lang siguro kung may madisgrasya man at kung meron mang mabibiktima ay hindi na masyadong matindi ang pinsala. Ito siguro ang dapat gawin ng gobyerno kung gusto nila talagang mabawasan ang mga firecracker casualty tuwing sasapit ang pagpapalit ng taon.
Sabi ng marami, parang ipinagbawal mo na ring sumikat ang araw kung gusto mong ipatupad ang mga inutil na firecracker ban. Tama sila. Mas maganda kung ire-regulate at i-supervise na lang ang paggawa nito. Wala naman kasing nakikinig. Ipagbawal man ang pagbebenta sa Munti sa ibang lugar naman bibili e di wala din. Sa mga pabrika dapat kontrolin.
`At sino naman ang huhuli sa mga sumusuway e ultimong mga pulis ang promotor sa putukan? At tsaka paano mo huhulihin ang mga nagsasaya sa loob ng mga subdivision na hindi man lang makapasok ultimong pulis? At kapag hinuli mo naman lahat ng nagpapaputok e saan mo naman sila ikukulong sa dami? Kalokohan lamang ang firecracker ban. Tila mission impossible yata ito.
Tumpak si PNP Chief Raul Bacalzo. Dapat ay magtalaga na lamang ng mga firecracker zone upang ma-supervise ang mga nagpapaputok. Ang hulihin na lamang ay iyong nagpapasabog ng mala-bombang paputok tulad ng mga Super Lolo, Bawang, Pla-pla, Bin Laden.at iba pang di na natin malaman ang pangalan. Ito ang tinatawag na win-win situation. Hindi na killjoy si mayor, tuloy pa ang tradisyong Pinoy. Tulad ng mungkahi ni Bacalzo, baka pwedeng magtalaga na lamang ng mga firecracker zone sa Munti, mayor? Maari na rin sigurong magbenta ng paputok dyan kahit ilang araw lamang bago mag-bagong taon?
Attn. Las Piñas Mayor Nene Aguilar: inaangal ng car owners ang mga watch your car boy dyan sa tapat ng Mercury Drug at South Star sa tapat ng Star Mall. Nananakot at nagagalit daw sila kapag P2.00 lang ang ibinibigay ng mga namimili doon. Ang iba daw ay ginagalusan ang sasakyan kapag nakipagtalo ang may-ari. Dapat sigurong palisin na lang ang mga mangingikil na ito, mayor. Abuso na sila.
Today’s pulitiko special: Mukhang dininig din ni Bacoor Mayor Strike Revilla ang matagal nang panalangin ng mga residente along the Zapote overpass. Pinatambakan na umano ng mayor ang mga lubak sa harap ng presinto ng Bacoor Traffic & Parking Management na matagal na rin hinaing ng mga motoristang taga Las Piñas. TY, mayor. Ilaw na lamang siguro ang kailangan doon upang maiwasan ang krimen sa lugar na talaga namang saksakan daw ng dilim sa gabi. #######
Nov
11
Reyklamador
Rey V. Constantino/Taliba
On one of Parañaque’s prominent residents….
For the Hubert Webb and his family, the good news came a few days before All Saints Day — the Supreme Court had granted the petition of Hubert, the principal suspect in the sensational Vizconde massacre, for a DNA analysis of the sperm specimen extracted from the body of victim Carmela Vizconde.
Webb has been asking the courts for the DNA testing since 1997. His lawyers are positive that the said specimen will not match those of Hubert. If this turns out to be true, it would mean that Hubert could already go home a free man at last, be reunited with his family to spend the yuletide season with them for the first time in 15 years as he has been locked up behind bars together with 5 others who were sentenced to life imprisonment. Hubert is the son of basketball legend and former Parañaque congressman and senator Freddie Webb, and the brother of popular broadcaster Pinky and PBA player Jason (now a councilor of the city).
It will be recalled that Carmela was raped and then killed 20 years ago on June 30, 1991 inside her family residence at BF Homes in Parañaque City. Also killed were her mother, Estrellita, and younger sister, Jennifer. The family patriarch, Lauro Vizconde, was working abroad at the time. Unfortunately for the Webb’s, their jubilation over the SC’s decision on DNA analysis was short-lived. The semen specimen from Carmela’s remains, the one piece of evidence that could spell Hubert’s innocence and eventual freedom, has disappeared.
(Dis)credit this to the National Bureau of Investigation (NBI) which claims it no longer has custody of the DNA sample taken from the crime scene. The NBI stated that it had already turned over the semen specimen to the Parañaque Regional Trial Court. However, the court’s record says otherwise. The sole evidence that Hubert is banking on to clear his name has mysteriously disappeared.
Not surprisingly, Hubert’s lawyers now want him released on the basis that he was denied due process as he no longer has access to the results of a DNA analysis to prove his innocence. Webb has been petitioning the courts to order the NBI to do a DNA analysis since 11 years ago but it was only in 2007 when the Supreme Court finally ruled that results of DNA tests can be used as material evidence admissible in court. Still, it took the High Court more than two years to grant Hubert’s petition.
In the absence of a DNA analysis, the SC has announced that it will promulgate its decision on the case based on “available evidence” which some legal quarters point out is grossly unfair to the defendant. The question comes to the fore: why has no one been taken to task for the loss of a very critical piece of evidence? Not even a reprimand to those responsible for the loss has been issued nor a token investigation conducted. This is a dangerous precedent.
At the same time, the Justice department which has supervision over the NBI has not lifted a finger to punish those behind the negligence and incompetence. As an analogy, how will justice be served, people are wondering, if the sperm specimen taken for instance from the nurse volunteer who was raped and then murdered recently in Maguindanao suddenly disappears? Will the Vice Mayor suspected of having committed the rape-murder be ever convicted or be given a chance to vindicate himself?
The High Court and Justice Secretary Leila de Lima must make sure that someone is held accountable for yet another instance of gross negligence or dereliction of duty.
In the meantime, Webb just might spend another Christmas in jail, no thanks to the NBI. #######
Nov
11
Dengue epidemic, tila nalimutan na
Filed Under Reyklamador! | Leave a Comment
Mr. Rey V. Constantino
Reyklamador/Taliba
Natabunan at mistulang nasapawan na ng mga ibang nagbabagang balita ang dengue epidemic na ikinasawi ng mahigit 500 katao nitong taong ito. Umiral na naman kasi ang isa pang malalang sakit ng Pinoy, ang sakit na kalimot.
Matatandaan na kamakalilan lang ay di tayo magkandaugaga dahil sa matinding perwisyong dulot ng dengue pero heto at kahit isang katerba na ang nasementeryo ay mukhang papetik-petik na naman tayo. Tila mas importante pa ngayon sa atin kung nagkahiwalay na nga ba si Claudine Barreto at Raymart Santiago o kung tutoo ang mga nalalathalang chika na may namamagitan kay Piolo Pascual at Enchong Dee.
Nuong huli kong silipin ang talaan ay lumobo na sa 84,000 ang kaso ng dengue sa ‘Pinas mula lamang Enero hanggang Agosto. Tinatayang aangat pa ang bilang na ito dahil sa pagpasok ng tagulan na kung saan inaasahang ma-i-instant replay ang pagsiguada sa ospital ng mga dengue victim na karamihan ay sa mga pasilyo na ng pagamutan matetengga sanhi ng kakulangan sa ispasyo’t pasilidad.
Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ang mga kasong ito ay mahigit 50 porsyento ang inilobo kung ihahambing sa mga tinamaan ng dengue noong nakalipas na taon. Ayon pa sa kalihim, karamihan sa mga biktima ay mga batang paslit na walang kalaban-laban sa kinakatakutang sakit.
Ang masakit nito ay marami sanang buhay ang nailigtas kung may sapat na kaalaman ang ating mga magulang ukol sa pag-iwas sa dengue. Halimbawa, alam nyo ba na mapanganib ang pagbibigay ng aspirin o kaya ng non-stroidal anti-inflammatory drugs (insaids) tulad ng ibuprofen sa mga biktima ng dengue? Ito ay ayon sa pagaaral ng World Health Organization (WHO) kung saan lumalabas na mas mabisa at ligtas panlaban sa dengue ang paracetamol para sa lagnat, at mahalaga din daw na dapat ang dosage ay i-ayon sa timbang ng mga bata at hindi base sa kanilang edad. Sa aking pakiwari maraming ina ang hindi nakaaalam nito.
Sa kanilang pananaliksik, napagalaman din ng WHO na ang ibang fever medicine ay nakapagpapalala ng hemorrhagic fever na baka maging sanhi pa ng pagkamatay ng ginagamot, lalo na’t kung ang pasyente ay nasa murang edad pa. Aba’y buhay ang nakataya dito kaya naman dapat maging mapili ang mga nanay sa pagbili ng gamot para kay boy at baby.
Kaya naman okey sa mga Reyklamador ang ginagawang hakbang ng pamahalaan na unahing asikasuhin ang mga paaralan. Sabi nga ng ating kalihim ng edukasyon na si Bro. Armin Luistro, “Kung hindi natin masusugpo ang dengue sa loob ng paaralan, hindi natin ito masusugpo sa buong bayan.”
Bagama’t kabi-kabila at hindi nagkukulang ang (DOH) sa paalala ukol sa wastong pag-iwas sa sakit na ito, patuloy pa rin ang mga pasaway sa pagbabalewala sa apat na iwas-dengue tips na dapat ay matagal na nating nakabisote. Una dito ay ang pagtatapon ng mga naiimbak na tubig na maaring pamahayan ng mga lamok; pangalawa ay ang paggamit ng mosquito repellant at pagsusuot ng mga damit na nakapagbibigay proteksyon kontra kagat ng dengue carrying mosquito; pangatlo ay ang pagkonsulta kaagad sa doktor sa unang tanda pa lamang ng sakit tulad ng rashes, mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo at pagdurugo ng ilong, at panghuli ay ang pagtanggi sa sobrang fogging sa kanilang lugar.
Pero ano pa man ang ating sabihin, ang pinakamaganda ay huwag tayong maging Juan Tigas Ulo. Sumunod sa paalala ng DOH, maging malinis at maingat sa katawan at kapaligiran para iwas pusoy din tayo sa malaking gastos sa doktor, gamot at ospital. Ika nga ng gasgas na gasgas nang paalala, “ An ounce of prevention is better than an pound of cure.” Ibig sabihin, iwasan na bago pa man mangyari.
Today’s pulitiko special: Tama lamang ang ginawang panenermon ni Interior Undersecretary and Mindanao peace talk adviser Teresita Quintos-Deles kay Lanao del Sur Rep. Fatimah Aliah Dimaporo sa budget hearing sa Kongreso. Nakaugalian na kasi ng marami sa ating kinatawan na pumunta sa mga pandinig nang hindi man lang pinagaaralan ang paguusapan. Ngayon parang mga batang paslit ang mga Muslim congressman at gustong alisin sa pwesto si Deles. Susmaryosep, kapag nabibisto ang kanilang katangahan e wala silang alam kundi tanggalan ng budget o pagtulungan ang kanilang kalaban kahit ito ay nasa tuwid na landas. Mag-aral kayo! #######
Oct
29
Public school students, kinakalburo
Filed Under Reyklamador! | Leave a Comment
Mr. Rey V. Constantino
Reyklamador/Taliba
Pati magaaral sa Las Piñas at Muntinglupa, damay….
Para palang manggang hilaw ang ating mga magaaral sa pampublikong eskwelahan. Alam niyo bang matagal nang pilit na isinasaksak sa loob lamang ng sampung taon ang dapat matutuhan ng mga bata sa loob ng 12 taon? Cramming ang tawag dito at hindi ito ipinapayo ng mga dalubhasa sa larangan ng edukasyon.
Ika nga e, para silang manggang ikinakalburo ng gobyerno para mahinog at maging pera agad. Sa mga hindi pa nakaaalam, ang ibang manggang nabibili nyo sa palengke ay ginamitan ng kalburo para mahinog agad ang mga prutas kahit wala pa sa panahon. Dahil sapilitan at pwersado nga ang pamamaraan, kadalasan sa mga kinakalburong mangga ay maasim at lasang ewan.
Marahil kung hindi inihain ni Education Secretary Armin Luistro ang planong K+12 ay di pa natin malalamang ganito pala ang kasalukuyang kalakaran sa ating public school system. Napipiho kong napakarami pa rin sa ating magulang at kababayan ang hindi nakakabatid na isa tayo sa natitirang dalawang bansa sa buong mundo na gumagamit pa rin ng makalumang sistemang ten-year basic education. Kung nagtataka kayo kung bakit lagi na lang tayong kulelat sa pag-unlad, malamang ito ang dahilan. Sinasabi kasing kapag mahina ang pundasyon sa edukasyon ay mahina rin ang takbo ng bayan. . Ayaw man nating aminin, sa kasalukuyan ay hinog sa pilit ang mga produkto ng public schools.
Kaya naman napapanahon na rin talaga ang mungkahing K+12 ni Bro. Luistro, na isa ding dating maestro, na gawing mala-21st century na ang ating basic public education system tulad ng ibang mga mauunlad na bansa. Hindi tayo pwedeng nakatunganga at nakanganga na lang habang nilalampaso at nilalampasan tayo ng ating mga kapitbahay. Sa katunayan nga, ultimong ang munting bansang Vietnam na pumailalaim sa matagal na digmaan ay mas umaarangkada na ngayon ang ekonomiya kumpara sa “Pinas.
Ano ba ang ibig sabihin ng K+12? Simple lang. ‘Di tulad ng umiiral ngayon na kung saan ay sampung taon lamang ang kailangan upang makagradweyt patungong kolehiyo, sa makabagong programang ito, dadaan ang lahat ng estudaynte sa kindergarten, 6 na taon sa elementarya, 4 na taon sa Junior High School at 2 taon sa Senior High School (SHS). Sa ilalim ng plano, hindi tatanggapin sa kolehiyo ang sinuman kung hindi nakakumpleto ng K+12.
May katwiran din si Bro. dahil sa panahong makatapos ang mga bata ng SHS, sila ay 18 anyos na at masasabing mature na at may sapat nang kaalaman upang pumasok sa sinasabing masalimuot na corporate world o kaya’y pagiging negosyante..
Sa pinaplanong 12-year curriculum, ituturo sa mga kabataan ang mga subject na entrepreneurship, business management, information communications technology at iba pang mga subject na kakailanganin nila sa pagharap sa hamon ng modernisasyon kaya’t paglabas ng paaralan ay agad silang makakapag-ambag ng kanilang talino at kakayahan sa tinatawag na productivity ng bansa.
At dahil suportado sila ng business community, ang mga K+12 graduate ay pwede nang mag-empleyo karakaraka ‘di tulad ngayon na kailangan mayron silang college diploma bago matanggap sa trabaho. Ito ay pangako ng mga negosyante at dambuhalang mga kumpanya dito na masugid na sumusuporta sa pagpapataas ng antas ng ating public school system. Kasama din sa tumataguyod sa K+12 ang mga dayuhang chambers of commerce tulad ng American Chamber of Commerce (Amcham), European Cahamber of Commerce of the Philippines (ECCP), Japanese Chamber of Commerce, Korean Chamber of Commerce. Di ba napakagandang balita nito para sa ating mga magulang at estudyante? Sa katunayan ay maraming trabaho dito sa bansa pero hindi angkop ang kaalaman at kakayahan ng ating mga high school graduate sa nagaabang na kayod. Dahil pulpol at palpak ang ating sistema, sa oral at written exam pa lang, lampaso agad dahil baw-wawaw ang Ingles.
Sa kasalukuyan, ang pagkakaroon ng 12 taong edukasyon ay matatamo lamang sa mga pribado at exclusive school. Ngayon, dahil sa planong K+12 ni Sec. Luistro magiging abot kamay na rin ito sa mga public school student. Ika nga, pantay na ang labanan.
Sana ito ang maintidihan ng mga magulang na tumututol sa K+12. Sa kunting dagdag na sakripisyo, sila rin kalaunan ng kanilang mga anak ang makikinabang dito. At pwede ba, huwag na sanang makiangkas ang ating mga pulitiko sa isyu dahil imbes na makatulong ay nakagugulo lamang sila. Hindi naman kasi tayo maaring nakapako sa isang lugar na lamang, dapat din tayong umusad. Naniwala akong maiiahon ng K+12 ang ating bansa sa kasalukuyang bulok nating sistema. Kung hindi tayo magbabago, paano tayo aasenso?
#######








