10 Things every motorist should be reminded of-MMDA

10 Bagay Na Dapat Malaman ng Mga Nagmamaneho

  1. Ang mga MMDA Enforcers ay hindi pinahihintulutang magsama-sama habang nanghuhuli ng mga motorista. Hindi sila pinahihintulutan kahit na tumayong magkakasama sa bilang na dalawa (2) o higit pa, maliban lamang sa panahon ng espesyal na operasyon (halimbawa panghuhuli sa grupo ng mga smoke-belching o colorum na bus).
  2. Ang swerving ay hindi isang paglabag sa batas trapiko. Ito ay tumutukoy sa isang paggalaw kung saan ang sasakyan ay lumipat mula sa isang lane patungo sa isa pang lane. Gayunpaman, maaari itong bumuo sa reckless driving violation kung ito ay gagawin ng walang pag-iingat (halimbawa swerving sa biglaan at walang ingat na pamamaraan, swerving nang hindi gumagamit ng senyales).
  3. Ang driver’s license ay hindi maaring kumpiskahin ng isang Traffic Enforcer maliban na lamang kung ang inyong sitwasyon ay kabilang sa mga sumusunod:
  4.  
    1. Ang drayber ay nasangkot sa isang aksidenteng trapiko.
    2. Ang drayber ay nakaipon ng tatlo (3) o higit pang hindi naaayos na paglabag.
    3. Ang drayber ay nahuli sa alinman sa mga sumusunod na paglabag:
     
    • Pagpayag na gamitin ng ibang tao ang driver’s license
    • Broken Sealing Wire
    • Broken Taximeter Seal
    • Operasyong colorum (kargo/pampasaherong sasakyan)
    • Pagmamaneho na laban sa daloy trapiko
    • Paggamit ng Pekeng driver’s license
    • Paggamit ng Peke/binagong selyo ng taximeter
    • Paggamit ng Peke/binagong sealing wire
    • Paggamit ng Mabilis/depektibo/hindi gumagana/dinayang taxi meter
    • Flagged up meter
    • Ilegal or hindi awtorisadong counter-flow
    • Ilegal na paglipat ng plaka/tags/stickers
    • Pinagdugtong/muling ikinabit na sealing wire
    • Walang driver’s ID
    • Hindi pagpansin sa Organized Bus Route (OBR) interval timers (para sa pangalawang pagkakasala)
    • Paglaktaw or pag-iwas sa nakatalagang OBR terminals o loading bays (para sa pangalawang pagkakasala)
    • Magpatakbo sa batayang contractual
    • Magpatakbo ng labas sa linya
    • Labis na pangsingil (meron o walang konduktor) (para sa pangalawang pagkakasala)
    • Pagtanggi na dalhin ang pasahero sa destinasyon/trip-cutting (Taxis at Pampublikong Sasakyan)
    • Pagtanggi na magbigay serbisyo sa publiko (Taxis at Pampublikong Sasakyan)
    • Pagkalikot sa sealing wire
    • Pagkalikot sa taximeter seal
    • Pagkalikot ng OR/CR/CPC at ibang dokumento (palsipikadong dokumento)
    • Labis na pamimili/di makatarungang diskriminasyon
    • Paggamit ng sasakyan sa paggawa ng isang krimen

    Ang mga administratibong paglabag na nabanggit sa itaas ay nangangailangan din ng di bababa sa 2 oras na seminar (para sa mga drayber) sa Traffic Academy.

    Gayunpaman, ang sinumang nagmamaneho na nakagawa na ng tatlo (3) o higit pang hindi-bayad na paglabag, administratibo man o sa paggalaw, ay dapat ding sumailalim sa isang seminar, na ang haba ay base sa resulta ng diagnostic exam (pagsusulit na matutukoy ang nilalaman ng pag-unlad ng seminar), na ipatutupad ng Ahensya.

    *Note: Kung ang lisensiya ay dapat na makumpiska, dapat ipagbigay-alam ng Traffic Enforcer sa nagmamaneho ang mga dahilan ng pagkakakumpiska nito at kung hanggang kelan balido ang tiket.

    Kung tumanggi ang nagmamaneho na ibigay ang kaniyang driver’s license, and kanyang plaka ay maaaring ipatanggal alinsunod sa Seksyon 74 & 75, MC 89-105.

  5. Ang mga pribadong sasakyan ay hindi pinahihintulutang gumamit ng yellow lane sa kahabaan ng EDSA, maliban na lamang kung sila ay liliko – sa kondisyon na simulan nila ang paglipat ng lane matapos makita ang transition lane (putol-putol na puting linya na nakapintang pahilis) na iyong makikita na may layong humigit-kumulang 50 metro mula sa isang intersection. Gayunpaman, ang piliang paghuli sa mga pribadong sasakyan na gumagamit ng yellow lane ay taasang ipinagbabawal.
    Ang yellow lane (una at pangalawang lane sa EDSA) ay para lamang sa mga City Buses. Ang mga City Buses ay hindi pinahihintulutang umalis sa yellow lane. Kung sila ay lalabag, sila ay papatawan ng paglabag sa patakaran ng yellow lane.
    Ang mga Provincial Buses ay hindi rin pinahihintulutang gumamit ng yellow lane. Sa halip, sila ay hinihikayat na gamitin ang ikatlong lane.
  6. Ang bawat Traffic Enforcer ay may kanya-kanyang nakasulat na mission order na inisyu ng MMDA Central Admin. Ang mga nahuling nagmamaneho ay malayang hingiin ang mission order ng nanghuhuling opisiyal. Nakasaad sa mission order ang kanyang nasasaklawang lugar, oras ng tungkulin, at opisyal na tungkulin. Ito rin ay nagpapahiwatig kung ang enforcer ay awtorisadong mag-isyu ng tiket.
  7. Kapag nag-i-isyu ng TVR, ang mga Traffic Enforcers ay dapat nakasuot ng kumpletong uniporme, na kita ang nameplate. Ang mga Traffic Enforcers ay inaatasang tapusin ang TVR (Traffic Violation Receipt) nang walang pagka-antala o pagtatalo sa daan, upang maiwasan ang pagsikip sa daloy ng trapiko.
  8. Ang Apprehending Enforcer ay pinahihintulutan na mag-isyu ng isa pang TVR para sa Towing Fee. Kung ang may-ari ng sasakyan na na-impound ay mabigo sa pag-release ng kanyang sasakyan matapos ang pagbabayad ng multa sa nakatakdang petsa, ang opisyal na nag-impound ay dapat na mag-isyu ng isa pang hiwalay na TVR na nagpapahiwatig ng bilang ng mga araw na ito ay nanatili sa impounding area.
  9. Bago manghuli, dapat atasan ng Traffic Enforcer ang drayber na itabi ang sasakyan at umakay dito hanggang makarating sa lugar kung saan ito ay hindi makasasagabal sa daloy ng trapiko. Ang Traffic Enforcers ay dapat magalang na ipagbigay-alam sa nagmamaneho ng kanyang paglabag.
  10. Ang mga Traffic Enforcers ay hindi pinahihintulutang hilingin sa nagmamaneho na bumaba mula sa kanilang mga sasakyan habang ang panghuhuli ay nagaganap. Higit sa lahat, ang mga Traffic Enforcers ay hindi pinahihintulutan na humingi o tumanggap ng lagay na pera.
  11. Sa panahon ng panghuhuli, ang mga sumusunod ay maaaring isaalang-alang bilang isang wastong driver’s license:
 
  • ID Plastic Card
  • DLR / Temporary Driver’s License
  • TOP (Temporary Operator’s Permit)
  • International Driver’s License
  • Foreign License

Ang Traffic Enforcer dapat gumamit ang karagdagang pagsisikap sa pagsuri ng legalidad o katotohanan ng data o mga dokumento na iniharap.

Kung ikaw ay makasalubong sa sinumang Traffic Enforcer na lumalabag sa alinman sa mga ito, kunin ang pangalan ng Traffic Enforcer na nakalagay sa kanyang nameplate, at isumite ang isang sulat ng reklamo sa Traffic Adjudication Board (TAB), MMDA Bldg. EDSA cor. Orense St Guadalupe Nuevo, Makati City, sa loob ng 5 araw pagkatapos ng panghuhuli.

Sa kasong ikaw ay masangkot sa isang pagtatalo kasama ang isang Traffic Enforcer, tumawag sa MMDA Hotline 136, o ang Metrobase sa 0917-561-8709. Hilingin sa Metrobase na magpadala ng mga inspector upang pumunta sa lugar kung saan nagaganap ang pagtatalo para sa tamang imbestigasyon.

Maaari mo ring i-e-mail ang reklamo laban sa mga nagkakamaling Traffic Enforcers sa MMDA sa pamamagitan ng email@mmda.gov.ph. Isama ang buong detalye ng mga pangyayari (isama ang mga larawan o mga video kung maaari), upang sila ay maaaring kumilos kaagad sa mga bagay na ito.

You may also like...