18-year-old Munti student appeals to the mayor; Wants to show the youth also care

The youth in Muntinlupa cares too.

Here is evidence that the young citizens of the city are also concerned about what’s happening in Muntinlupa.

Please read the email of an 18-year-old reader:

 

Ako si Michaela Nofuente, labingwalaong taong gulang at residente ng Cupang Muntinlupa City.

Kasalukuyang iskolar ng De La Salle Santiago Zobel School (BRafeNHS).
 
Nais ko lamang ibigay ang aking opinyon bilang isang mag-aaral na nais ng magandang pamamalakad sa Lungsod Muntinlupa.
Oo, ako’y isang mag-aaral pa lamang ngunit nais kong baguhin ang isipan ng mga kapwa ko mag-aaral. Isipang nakatuon lamang sa “ESTUDYANTE LANG AKO, ANONG MAGAGAWA KO?”
Bilang bahagi ng Lasallian Community, nais kong maging boses ng sa mga kapwa ko mag-aaral na napipipi at nagbibingi bingihan lamang. Paano ko nga ba ito sisimulan?
 
Unang una, ang problema ng bawat bata sa mga silid-aralan. paano nga ba ito matutugunan kung ang inuuna pa ay ang pagpapatayo ng mga walang kwentang gusali? Paano nila mararamdamang sila ay mag-aarala kung hindi kumpleto ang mga libro?
 
Pangalawa, simpleng bagay lamang lalo na ngayon na tag-ulan. Ang pagsususpende ng mga klase kung may mga bagyo. Kapansin pansin na laging nahuhuli ang Muntinlupa sa pag aanunsyo ng kanselasyon ng klase. Anong tingin nila sa mga mag-aaral ng Muntinlupa, WATERPROOF? Di lang oras ang nasasayang kundi pati pera at panahon. Bakit pera? Dahil may posibilidad na dapuan ng sakit ang mga mag-aaral na mahina ang resistensya. O, baka naman kapag malamig ang panahon si Mayor, nasa kasarapan pa ng tulog. Gising gising din! Di lang mag-aaral ang apekatado dito, pati magulang na nag-aalala sa mga anak nila, at pati ang mga guro na parang nangangapa sa dilim kung anong gagawin sa mga mag-aaral na maaga pa lamang ay nasa paaralan na upang hindi abutin ng ulan.
 
Dalawang simpleng problema lamang yan ng isang lungsod. Paano pa kaya kung ang kinakaharap na ni Mayor ay problema ng Pilipinas? Ano na ang mangyayari sa atin? Para saan pa ang katagang GISING MUNTINLUPA kung ang namumuno mismo ay natutulog. Natutulog nga ba? Baka naman angtutulog-tulogan.
 
Nawa sa simpleng mensaheng ito ay magising gising naman si Mayor. Hindi ko intensyon na siraan ang ating minamahal na lingkod, ang akin lamang ay sana magampanan naman ng tama at nasa ayos ang kanyang tungkulin.
 
Para kay Mayor, nawa ay pagpalain ka pa ng Poong Maykapal at dalangin ko ay bigyan ka pa Nya ng lakas at talino upang mapaayos at mapaganda pa ang Muntinlupa.
 
 

You may also like...