20 bahay naabo sa Parañaque
From abante.com.ph:
July 9, 2016
By Armida D. Rico, Genevieve Javier
Tinupok ng apoy ang 20 bahay at nasa 80 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa Barangay Sto Niño, Parañaque City.
Ayon kay Parañaque City Fire Marshall Chief Inspector Renato Capuz, dakong alas-6:43 ng umaga nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa No. 8410 Gomburza Extension na pag-aari ng isang Toto Gaston, nasa hustong gulang.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ibaba ng bahay na nagsimula ang sunog na kung saan mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit bahay na pawang gawa lamang sa light materials.
Mabilis naman nakapag responde ang mga kagawad ng pamatay sunog na kung saan agad naman naapula ang apoy na umabot lamang ng ikalawang alarma at bandang alas-8:18 ng umaga nang ideklarang fire out ang nasabing sunog.
Bukod pa dito malaking tulong din ang pagbuhos ng malakas na ulan kaya’t mabilis itong naapula ang naglalagablab na apoy.
Recent Comments