6 na pulis Las Pinas, sibak dahil sa “hulidap”; Alamin dito para huwag maging biktima
(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 11, 2014 – 12:00am
Ayon kay Senior Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City Police, sinibak sa pwesto sina SPO4 John Miranda; SPO2 Jerry Fernandez; SPO2 Jay De Guzman; PO3 Gil Anos; PO3 Hernan Pua at isang SPO1 Sabbon, nakatalaga sa Anti-Crime-Follow-up Unit ng Las Piñas City Police, na sasampahan ng kasong administratibo.
Pinalulutang din ni Samala ang biktimang si Guillermo Dario, 49, nang nasabing lungsod upang magsampa ng reklamo laban sa nabanggit na parak.
Nabatid na ang biktimang si Dario ay personal na nagreklamo sa tanggapan ng National Press Club kamakalawa.
Base sa salaysay ni Dario, noong Agosto 29 habang gumagawa siya ng bahay ng isang kaibigan sa naturang lugar ay dumating ang anim na pulis at hinahanap umano ng mga ito ang isang alyas Malou at nang hindi makita ay siya ang dinala sa presintong malapit sa city hall. Dito siya tinakot ng mga pulis at pilit na tinatanong kung nasaan si Malou, subalit ayon sa biktima hindi nya kilala ito at bakit siya huhulihin samantalang wala naman siyang kasalanan.
Nabatid, na hiningan umano ng naturang mga pulis si Dario ng halagang P75,000 dahilan upang tawagan nito sa telepono ang kapatid na si Dominador upang hingan ng tulong.
Noong Setyembre 3, muli na namang inulit ng mga pulis ang ginawa nila kay Dario habang nagkukumpuni ito ng bahay ng kanyang kapitbahay sa naturang lugar.
Muli siyang dinakip ng mga pulis at muli siyang kinausap na magbigay ito ng halagang P50,000, subalit ayon sa biktimang si Dario, wala silang pera kaya’t hindi nila kayang magbigay ng naturang halaga.
Dahil wala ngang mapiga sa kanya ang naturang grupo, kaya noong Setyembre 5.
Matapos ang insidente, nagtungo sa barangay ang biktima upang ipa-blotter ang naturang mga pulis, subalit tila aniya wala namang aksiyon ang barangay sa kanyang reklamo kaya sa National Press Club o sa media siya lumapit para sa kanyang sinapit.
Recent Comments