60 kababaihan, nailigtas sa prostitution den sa Parañaque

From bomboradyo.com:

 

Aabot sa 60 kababaihan na kinabibilangan ng 19 na mga menor de edad ang nailigtas mula sa prostitusyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ang nakasaad sa report ni NBI Anti-Human Trafficking Division chief Dante Bonoan matapos nilang salakayin ang Area 51 KTV entertainment club sa Parañaque City kung saan ginamit umano ang naturang establisimyento bilang front ng prostitusyon.

Matapos makatanggap ng tip mula sa International Justice Mission, nadiskubre ng NBI sa kanilang isinagawang surveillance operations na may mga sumasayaw na hubo’t-hubad at nagbebenta ng panandaliang aliw ang mga babae sa naturang club.

Sinabi ni Bonoan na ipinagharap na nila ng kasong trafficking at child abuse ang floor managers ng naturang establisimyento sa Department of Justice (DoJ).

Nai-turnover na rin umano ang mga menor de edad sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

You may also like...