70 bahay sa Paranaque natupok ng sunog
From abs-cbnnews.com:
Maraming residente ang nawalan ng tirahan sa Parañaque dahil sa sunog na umabot sa ikalimang alarma kagabi.
Pasado alas sais kagabi, nagsimulang lumiyab ang isang bahay sa Barangay Tambo sa Parañaque City.
Dahil napaliligiran ng marami pang bahay na gawa rin sa light materials, mabilis kumalat ang apoy.
Hindi lalagpas ng trenta minutos, nabalot na ng maitim na usok ang magkakadikit na bahay at umabot na sa ika-limang alarma ang sunog.
Tinatayang na 70 bahay ang nadamay sa pagliyab.
May 150 pamilya ang naapektuhan ng sunog. Ang karamihan sa kanila, nawalan na ng matitirhan.
In-evacuate ang ilan sa kalapit na paaralan at covered court. Mayroon ding bakanteng lote kung saan pinili ng iba na mamalagi muna kasama ang mga naisalbang mga gamit.
Walang sugatan o nasawi sa insidente.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, pero hinihinalang ito ay nagsimula sa cellphone charger sa loob ng bahay ng isang Carolina Cabilin.
Umabot ng halos apat na oras bago tuluyang naapula ang apoy.
– Umagang Kay Ganda, 27 October 2015
Recent Comments