Agaw Bike Gang in Filinvest Trails?
A Facebook friend made Alabang Bulletin aware of a suspected Agaw Bike modus at the Filinvest Trails earlier this weekend.
Read on on what happened as posted by someone who witnessed the event:
“Heads up mga kapatid. Suspected Agaw Bike Gang sa Filinvest Trails.
Kaninang mga 3-4pm, may isang van pati isa pang sasakyan na nakaabang malapit sa entrance ng Exo Trail. Bago ako pumasok sa Exo, may nauna sakin tapos pagpasok ko Exo, nakita ko yung naunang biker (Mike pangalan niya) sakin dun sa part ng entrance na malapit sa kalsada may kausap na lalake na naka-civilian na sobrang dikit sa bike niya.
Huminto ako kasi akala ko may problema or nagtatanong ng daan pero nung narinig ko yung “Kuya Larry” pati “Grantrail”, naisip ko na baka tropa niya or biker din so tinapos ko yung buong trail.
Nung nagpapahinga nako, nakita ko si Mike nagpahinga na rin dun sa mga iba pang bikers na nakatambay. Narinig ko nagkkwento siya about dun sa lalake sa may Exo. Hinahawakan daw yung bike (nakita ko rin hinawakan yung handlebar) niya tapos kuna ano-ano pinagtatanong tungkol sa bike.
Nabanggit din daw ng kung sino-sino tapos sabi pa na pinsan niya daw si Kuya Larry ng Grantrail.
Ang nakakatakot yung bumaba daw yung isang kasama nung lalake sa van at tumayo sa bandang likod ni Mike.
Buti na lang hindi nakuha yung bike o nanakawan kasi yung bantay na guard doon tinitingnan ata ni Mike habang nakikipagusap dun sa lalake.
Pati rin yung ibang biker dun kanina na-experience din pero ibang araw ata at Crosswind naman daw yung nakaabang.
Mukhang may nagpa-radyo naman sa mga guard kanina kasi may umiikot na guard pati may pulis ako na nakita.
Maging alerto lang tayo, mga kapati. Malapit na ang Christmas, naglalabasan na mga kawatan.”
As the witness said, let us all be extra careful, not just while biking but in general so that we will not fall victims to crimes like the one that almost happened above.
For security purposes, we will not include the name of the person who posted this as well as the full name of the almost-victim.
Let us all cooperate in exposing crimes and report any suspicious-looking characters near your houses, cars and where ever you are.
Ingat kayo