Alex Gonzaga humingi ng tawad sa Parañaque mayor; Olivarez denies considering her persona non grata in the city

From abs-cbn news:

Humingi ng tawad ngayong Huwebes ang social media star na si Alex Gonzaga kay reelected Parañaque City mayor Edwin Olivarez matapos bitiwan ang pahayag na “may pagkamadugas” ito.

Noong mga linggo bago ang botohan noong Mayo 13, lumutang sa social media ang video ng pahayag ni Gonzaga kay Olivarez, na tila kinuhanan sa isang campaign sortie ng isang party-list na ineendorso ni Gonzaga.

Dito sa last election, I was very invested because you know, my dad ran, my boyfriend. Siguro I was very emotional that time and alam niyo na, nagkakamali ang tao,” ani Gonzaga.

Photo from abs-cbn news

“Noong nasabi ko iyon, actually, I felt na… mali ‘yong nasabi ko. But then I went along. I said sorry din naman doon sa entablado na parang mali ‘yong nasabi ko but it was too late,” dagdag ni Gonzaga.

Ang asawa ni Vandolph Quizon na si Jenny at si councilor Bong Benzon ang naging tulay para makahingi ng tawad si Gonzaga.

Maluwag namang tinanggap ni Olivarez ang paumanhin ni Gonzaga.

Pinuri pa ng alkalde ang umano’y agad na paghingi ng tawad ni Gonzaga sa social media matapos bitiwan ang pahayag.

“Immediately sa social media, nag-apology agad siya. Hindi tumagal iyon at nabasa ko iyon,” ani Olivarez.

“Lalo pa akong na-overwhelm na personally na pumunta siya rito,” ani Olivarez.

Itinanggi rin ni Olivarez na idineklarang persona non grata sa lungsod, na nauna nang itinanggi ng munisipyo bago ang pagkikita ng 2 personalidad.

Ayon kay Gonzaga, ituturing niyang learning experience ang nangyari.

“Ayoko nang umakyat ng stage na emotional. I’m really, really sorry,” ani Gonzaga.

— Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.