How his VIOS was forcibly taken from him in Alabang

Here’s the full narration on how a car was carnapped in Alabang:

Aug 7,2010

Let me share my story kung ano nangyari kaninang umaga para maging aware lahat tayo lalo na sa surroundings natin para maiwasan at hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari. Maaga ako umalis ng bahay para magduty sa game mga 6:30 ng umaga kanina, wala pang masyadong tao sa lugar, bumili lang ako ng yelo sa 7-11 malapit sa Alabang Medical Center along Alabang Zapote Road.

Paalis na ako ng 7-11 para pumunta sa meeting place ng team namin ng may biglang nagpark na silver na honda civic FD sa likod na auto ko. akala ko yung tipong nagpark lang saglit tapos aalis na, may bumaba na bumbay na naka black polo shirt, pants, may shades, at naka itim na cap. Ang sabi ko aalis na ako, hindi ko naman inakala na yun na pala yun.

Nung sumakay na ako sa auto ko para umalis na bigla niyang pinigil yung pag sara ng pinto ko sabay punta sa likod ko at sumigaw siya na “I’M A COP”, ako naman parang natulala ako kasi wala naman akong ginawang violation at parang may kutob na ako sa mga susunod na mangyayari. Nagpakita pa siya ng tsapa niya at sabay bunot ng baril at nilagay sa likod ko.

Napaisip ako nun kung papalag ako at aagawin yung baril sa kanya, pero naisip ko din baka mamatay ako pag ginawa ko yun, kinukuha niya sakin yung susi ng vios ko. Nakita ko yung isa niyang kasama sa may silver na honda civic FD na nagpakita din ng baril. Nilingon ko din yung carnapper sa likod ko nakita ko na 45 yung dala niya na baril pati yung sa kasama niya.

Bumbay yung carnapper na nasa likod ko, nasa 30-35 year old, mga 5’8-5’9 ang height, matangos ang ilong, medyo maitim, malinis ang mukha, malaki ang katawan. Yung kasama niya matanda na rin nasa 30-35 din siguro, 5’7-5’8 ang height, at payat, mukhang Pilipino.

Tapos ay pinalabas niya ako ng sasakyan, pag tayo ko naghahanap ako ng taong makakakita sakin o mahihingan ko ng tulong, nung napansin niya na parang hihingi ako ng tulong bigla niyang sinabi sakin “SIGE IPUPUTOK KO!” . hindi na ako nakagalaw at hindi na ako nakasigaw sa takot ko na babarilin niya ako sabay sapilitan niyang kinuha ang susi ko at hinila ako palabas ng sasakyan ko.

Agad na umalis na yung sa kasama niya at sumunod na din siya. Sa sobrang takot ko ay dumeretso ako sa loob ng 7-11, hindi ko nakita yung plaka ng silver na Honda Civic FD na pumarada sa likod ko. Pag pasok ko sa 7-11, agad ko sinabi sa mga tao doon yung nangyari, tumawag na agad sila sa Police at nireport yung nangyari.

Pinuntahan ako ng Police Mobile sa area na yon mga 5-10 min. pagkatapos makuha yung auto ko. Kung dumating pala sila malamang nagkaputokan pa. Agad ko din tinawagan yung mga magulang ko at pinutahan nila ako. Nagpunta kami sa Headquarters ng Police sa Muntinlupa para ireport yung nangyari tapos nag punta kami sa Crame ngayong gabi para asikasuhin lahat ng kailangan at para ma radio voice alarm sa metro manila.

Sa tulong din ng ibang members na blatter sa iba’t ibang municipality yung carnapping. Magingat lang po tayo lagi sa mga tao sa paligid natin Dapat aware padin tayo sa paligid natin Iwasan sa mga hindi mataong lugar Tandaan natin na walang pinipiling oras at auto ang mga yan Ibigay niyo nalang pag tinutukan kayo, mas importante ang buhay natin, napapalitan naman ang mga materyal na mga bagay pero ang buhay natin hindi At higit sa lahat mag dasal lagi at ikalat ang modus na to sa lahat ng mga mahal niyo sa buhay para maiwasang mabiktima.

Thank You sa lahat ng supporta at tulong, Thank You God! -vcp pau

Please feel free to share this post so everyone can be more vigilant. We sure hope the Police can do something about this. We thought we lived in the peaceful part of Metro Manila. Guess not. We just have to rely on ourselves to safeguard our possessions and lives.

You may also like...

No Responses

  1. Kimm says:

    bakit ka bumibili ng yelo 6:30 ng umaga? at tsaka sabi mo bumbay yung carnapper…meaning? bumbay looking, or bumbay talaga na marunong lang mag-tagalog?

  2. Jude says:

    tama sir na ibinigay niyo na lang…ang kotse napapalitan pero ang buhay hindi…kung may Comprehensive insurance…kahit mawala auto mo okay lng…

  3. Beybipats says:

    Tama lang na binigay mo na yung Car mo, buy na lang ulit. Atleast buhay ka pa di ba? God is good. =)

  4. yÖwn says:

    Kung hindi ka kinabahan and you know what is your situation nakapag isip ka pa ng maayos…

    tinapon mo dapat yung susi mo sa malayong lugar.. yung tipong hindi makukuha kagad XD

  5. jian says:

    ung mga ganun kaya na nanunutok ng baril, totoo kayang ipuputok nila un pag pumalag ka? e kasi pag pinutok nila un, mahuhuli sila, siyempre magkakagulo dun di naman sila agad2 makakaalis

  6. jem evangelista says:

    diba may guard ang 7-11? bakit di manlang niya nakita and dumadaan ako dun lagi, lagi may guard dun sa tabing establishment im not sure lang kung ano yun pero laging may 2-3 guards dun including sa 7-11.