KTV Bars prevalent in Paranaque?

From pinoyparazzi.com:

 

NABABALE-WALA NA ANG respeto ng mga deboto ng Poong Ina ng Laging Saklolo sa simbahan ng Baclaran, Parañaque City bunsod ng naglipanang KTV bar cum putahan sa lungsod, dahil hindi na ang simbahan ang dinarayo ng mga parokyano kundi ang mga higante at nakabalandrang mga club dito.

Ayon sa ilang grupo na pawang mga deboto ng Ina ng Laging Saklolo, kapansin-pansin ang pagtalikod ng pamahalaan ng lungsod sa nasabing simbahan dahil mistulang kabute na nagsulputan ang mga club cum putahan, kung saan nakapalibot ang mga KTV bars na ito sa simbahan.

Ilan lamang sa mga ito ay ang sikat na Airforce One, Binibini, Pacific Blues, Miss World at marami pang iba, na umano’y puro kalaswaan ang ipinapalabas rito, nariyan na ang pagsasayaw ng mga hubo’t hubad na kababaihan bukod pa rito ang pagbebenta ng panandaliang-aliw sa loob ng VIP room.

Sinabi pa ng mga ito, na inutil ang pamunuan ni Parañaque City Mayor Florencio “Jun” Bernabe sa pagsugpo kontra prostitusyon at tinawag pa nilang kunsintidor sa mga operator ng mga putahan sa lungsod.

Napag-alaman na kaya ganu’n na lamang umano ang lakas ng loob nitong mga may-ari ng mga KTV bar cum putahan sa Parañaque ay malaki umano ang ‘good will money’ o mas kilala sa tawag na lagay ng mga operator at may-ari nito sa pamahalaang lungsod.

Lumalabas din umanong bulag, pipi at bingi ang tanggapan ni Parañaque City Business Permit and Licensing Office chief Elenita Pracale, dahil sa pag-aapruba nito at pagbibigay ng permiso para makapag-operate ang mga owner ng club na wala man lamang pakialam kung saan ito nakatayo, basta kumita lang ng pera.

(Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

You may also like...