Las Pinas, magpapatupad ng “strict” Enhanced Community Quarantine simula ngayong araw

From news.abs-cbn.com:

Magpapatupad simula Miyerkoles, Abril 15 ng “strict enhanced community quarantine” ang Las Piñas City, na layong higpitan pa ang bilang ng mga naglalabas-pasok sa mga checkpoints ng lungsod.

Sa abisong inilabas ng lokal na pamahalaan, maaari lamang pumasok at lumabas sa siyudad ang mga sumusunod:

  • Basic Services (Medical Service)
  • Emergency Responder (DRMO, DSWD, BFP, etc.)
  • Security Services (PNP, AFP, BJMP, NBI, other Frontliners)
  • Basic Daily Essential (Banks, Money Transfer, Hypermarket, Public Market, etc.)
  • Cargo Delivery
  • Employees of Factory
  • Utilities (Water Companies, Sanitation)
  • Other authorized persons (Government
  • Skeletal Force of the Executive branch, Capital Market, Personel, Banko Sentral ng Pilipinas, Security and Exchange Commission, Philippine Stock Exchange, etc.)
  • Other Government Officials (Senator, Congressman, Odbusman, Justices, Judges and Local Chief Executive)
  • Media
  • Agribusiness and Agriculture Workers
  • Outbound / Inbound International Passengers at Drivers (Pilot, and Employees)

Hihigpitan din ang seguridad sa mga sumusunod na bahagi ng Las Piñas: Alabang Zapote, boundary ng Las Piñas at Muntinlupa, Canaynay Ave, C5 extension, Diego Sera Ave., Daang Hari Road, Marcos Alvarez Road, boundary ng Las Piñas at Parañaque, Zapote viaduct, at Las Piñas – Cavite boundary.

Sa ngayon, may 83 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa siyudad, 7 dito ang namatay at 11 ang nakarekober, batay sa datos ng siyudad bandang alas-9 ng umaga ng Abril 15.

Noon nang pinabulaanan ng lokal na pamahalaan na magkakaroon ng total lockdown sa lungsod matapos kumalat ang naturang ulat.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.