Las Pinas motorists, beware…

Napakapeligrosong intersection pala nyang Edsa extension at Macapagal Ave. dyan  sa Pasay City sa tuwing kakagat ang dilim.  ‘Yan ay hindi dahil maraming naaksidente sa lugar kundi dahil marami umanong Pasay trapik aide  na parang paniking nagtatago sa dilim at nagaabang ng magagatasang  motoristang hindi humihinto sa red light.  Maliban daw ito kung Sabado at Linggo dahil sa “on leave” daw ang mga kotongero.

            Halatang halatang dilihensiya lang ang kanilang habol.  Imbes na lumantad sa liwanag, nagkukumpulan sila sa madilim na parte ng Macapagal kung saan marming puno at bigla na lang lumalabas pag may naispatang sasakyang lumabag sa traffic light.  Parang sinadya ang kanilang unipormeng itim at orange dahil hindi daw sila talagang makikita hanggang huli na. Ang ilan sa kanila ay naka-motorsiklo pa.  Tila malakas ang kanilang “negosyo” dahil minsan ay mahaba ang hilera o kotong line ng mga sasakyang kanilang “nahuhuli.”  Mas lalo na raw maganda ang bisnis kapag rush hour kung saan ay nagmamadali nang umuwi ang mga galing sa trabaho. . Umano, kung matindi siguro ang pangangailangan ay inaabot sila ng hanggang mga alas diyes ng gabi sa kanilang lungga.

            Ang pagtatago ng  mga tagapagpasunod ng trapiko ay bawal sa batas. kung hindi ako nagkakamali ay abetting crime ang tawag dyan. Kung matiyaga kayo ay pwede nyo po silang kasuhan.  Upang mapigil ang paglabag sa batas trapiko bago pa man ito mangyari, , dapat ay pupwesto sila kung saan sila ay madaling makita. Ang nangyayari ay tina-trap nila ang kanilang mga biktima at saka  hihingan ng hatag.   Luma na ang ganitong istrok. Kung baga sa pelikula ay kumita na ito pero tila walang umaawat.

            Nawala na doon ang mga garapal na trapik aide nang minsan natin itong ibulgar  dito sa Reyklamador subali’t nabalik na namang muli at tila dumami pa umano sila.  Mukhang wala silang kiber at ni kaunting  sindak sa bagong luklok na alkaldeng si Antonino Calixto na tila nagmisistulang tau-tauhan.

            Napapagusapan na rin lang ang Macapagal Ave., tinatanong ng maraming Reyklamador kung bakit may drag racing pa rin doon gabi-gabi.  Naguumpisa daw ang karera  bandang alas 12 ng hatinggabi hanggang madaling araw.  Karamihan sa mga kalahok ay mga tinedyer na akala mo ay walang kamatayan kung magpakaskas.  Hindi nila  alintana kung mayroong  ibang sasakyan sa daan. Sana ay mabigyang pansin ito ni Mayor Calixto.  Marami-raming buhay na rin ang inangkin ng drag racing  dahil lamang sa tinatawag na thrill o high  na nakukuha ng mga bata  tuwing malalampaso nila ang kanilang kalaban.  Ika nga e, “Thrill Kills.”

             Pero tila may bendisyon umano ng mga parak-Pasay ang mga karerista.  Bago daw umarangkada ang drag racing  doon ay makikitang nagaayusan muna ang mga race organizer at ang mga motorcycle cop ng siyudad.sa Shell station doon.  .  Kung totoo ito ay grabe na talaga sa sinasabing “City of Sin.” Tila maraming dapat iwasto at ibalik sa matuwid na daan ang dating ex-mayor.  Siguro ay dapat ding pagtuunan ito ng pansin ni Local Government Undersecretary Rico Puno upang mawala na ang bansag sa mga pulis-Pasay na isa sa pinaka-kurap force sa bansa. Totoo bang ultimong beinte pesos ay painapatulan ng mga pulis doon?  

            At hindi lang pala sa kanto ng Mac Ave. at Edsa extension may bwitreng Pasay trapik aide. Dyan din daw sa ilalim ng LRT sa kanto ng Buendia at Taft Ave. ay may mga naglilipanang paniking trapik aide din. May isa daw trapik aide doon na nakasalamin at medyo bata pa ang  talaga naman daw matinik maghuli ng mga nagugulantang motorista dahil bigla na lamang daw itong  sumusulpot galing kung saan. Nakatago daw ang pangalan nito upang hindi makilala.   Dapat sigurong magalala ang mga pulis at meron na silang kumpetensiya. 

            Separated at birth:   Dating Energy Chief Angelo Reyes at komedyanteng Alan K. #######

You may also like...

No Responses

  1. chard says:

    cool bag! hope it’ll be my time to win it.

  2. fx rider says:

    last night, on our way home, a frightening thing happened. the fx shuttle we were on was stopped by two mmda traffic enforcers at the intersection of mia road and coastal road. we did not know what the violation was as i was listening to my ipod while the driver and the enforcers were talking. all of a sudden, i felt jolts. apparently, the driver was trying to get away from the enforcers. the two mmda men tried to stop the driver by going in front of the fx but to no avail. they just resorted to slapping the fx on the side. some passengers got mad at the driver and the driver said sorry saying “didilihensyahan daw siya” and his vehicle might get impounded. we ended up taking a different route as he was afraid of getting stopped at the toll gates. very dangerous. i don’t know if the mmda men were really trying to apprehend the driver or really make “dilihensya”. frightening.

  3. hi chard, but the laptop bag promo is already finished and the winner already claimed the prize:) thanks though! keep on reading our posts:)

  4. that was really scary, fx rider. tsk tsk.