Last spotted in Muntinlupa: Woman thief who pretends to apply as household helper

Trust no one.

It may seem selfish and too much but it’s better to be suspicious than fall victim to any of the modi operandi very prevalent nowadays.

Here’s a tale of another family who lost some of their valuables to a woman who pretended to apply as a “kasambahay”.

From Ekai Dumlao:

“Pumunta po si “LISA” samin kaninang umaga, nag-aapply ng yaya/kasambahay. Sabi nya kumpleto sya ng requirements at 7 years na sya sa dati nyang amo. Umalis na daw yung amo nya kaya naghahanap sya ng trabaho. Una sya nag-apply ng kasambahay (walk-in-application as random stranger) sa tita (matanda na si tita with soft heart) ko pero bilang kami talaga ang may kailangan, ni-refer sya samin.

Sinabihan namin sya na kakausapin muna sya sa video call pero tumanggi sya at pinilit pumunta sa bahay. Pinapasok namin sya at kinausap, maayos naman- all smiles pa. Taga-Bicol din daw sya at kayang-kaya daw nya maglinis ng bahay kahit sya lang mag-isa.Sanay daw sya sa gawaing bahay. Meron din daw sya mga requirements na maipapasa.

Sobrang OK syang kausap-hindi mahahalata na nanloloko sya.
Pagkatapos ng mga 30 minuto, nakita ko may hawak na syang walis at dust pan, tutulong na daw sya maglinis.

Umakyat sya sa 2nd floor at AYUN! ang bilis nya lang nakuha yung phone at pera sa bag. Sabay paalam na lalabas lang daw sya para kunin yung damit sa labas ng guard house. Andoon daw yung kapatid nya naghihintay.

Yung 1st video po ay yung papasok pa lang sya samin. Look! sa 2nd CCTV nagmamadali syang umalis parang may humahabol. Galing din magtaklob ng payong (green).

So bale, hindi pa sya bumabalik hanggang ngayon. Nakuha nya kaya ang mga damit nya? 🤣🤣

**Pero seryoso, ingat po kayo sa mga modus na ganito. Check all resources na meron kayo bago kayo magpapasok ng stranger sa house nyo.

Nagsumbong na po kami sa pulis. Kung sino man po sainyo ang nakakakilala sa kanya pakisuyo na lang po i-pm kami.

At sayo, ate “Lisa”,iba ka! Sana nakakuha kami ng selpi sayo kaso nagmamadali ka. Pero may nakita naman kaming FB page mo. Sakto, muka mo ang cover/primary photo! Huwaw!
😕

Salamat na lang din kami kasi walang kinuha sa mga pamangkin ko 🙏🙏

PLEASE SHARE AT INGAT PO KAYO!

Huling nakita sa MUNTINLUPA.”

You can watch the videos here:

https://www.facebook.com/1590295412/posts/10215993707947438/

Let’s all be very cautious especially when we do not know the applicant personally.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.