Muntinlupa mayor-elect mahina ang kalusugan?
From journal.com.ph:
Published : Saturday, June 08, 2013
Written by : Edd Reyes
HINDI pa man nakakaupo sa puwesto bilang bagong alkalde ng Muntinlupa City, kumalat na ang balita hinggil sa mahinang kondisyon ng kalusugan ni mayor-elect Jaime Fresnedi.
Bukod sa hindi maayos na kalusugan, kumalat din sa pamamagitan ng social media ang kaliwa’t-kanan uma-nong pamamahagi ng solicitation letter at fund raising campaign ni Fresnedi na labis na ikinairita ng mauupong alkalde.
Sinabi ni Fresnedi na walang katotohanan ang ipinakakalat na tsismis na may malubha siyang karamdaman dahil nasa maayos ang kanyang kalusugan, patunay ang regular niyang page-ehersisyo at pagkain ng masustansiya at tamang pagkain.
Nairita rin si Fresnedi sa paggamit sa kanyang pangalan sa panganga-lap ng pondo at pagso-solicit ng hindi pa batid na grupo kaya’t iniutos na niya sa kanyang mga tauhan na imbestigahan kung sino ang nasa likod ng paninira sa kanya.
Dismayado rin si Fresnedi sa umu-gong na balita na magkakaroon ng malawakang pagbibitiw sa trabaho ang mga kawani ng city hall sa oras na magsimula siya sa panunungkulan na naging dahilan upang maapektuhan ang regular na koleksiyon ng basura, pati na ang pag-iral ngkatamaran ng mga street sweepers at traffic enforcers na nakaka-apekto sa kalinisan at daloy ng trapiko sa lungsod.
Recent Comments