New MODUS in Alabang? Be warned, everyone especially children.

From the Facebook post of Ms. Shirley B.:

“Parents para na lang po aware sila sa nangyari and tamang info maibigay nila sa pamilya nila at para na din maiwasan maulit ang nangyari eto po details nang nangyari po kagabi

After practice nang mga bata sa soldiers lumakad po sila at may need sila bilhin sa festival mall para sa Health project. Along metropolis po sumakay yung 3 binata. Age 15-18 daw according sa mga bata. Hindi mukhang solvent boys at matino naman daw manamit. 2 group lang po sila sa jeep yung una is sila. At yung isang group yung 3. Along pa rotonda paikot papunta sa palengke na dun daw parang nanghahamon yung mga binata provoking na lalaban. Di pinansin lang nang anak ko pero nung nilapitan na si **** at sinubukan napo kunin yung gamit at tila may binubulong saka na lumaban anak ko sa paraan na itulak yung isang binata. Lumaban yung binatilyo at nagkaroon nang komosyon sa loob nang jeep. tumulong yung kasama nang isang binatilyo at sumipa sa mukha ni ××××. sa takot po ni ####### ay tumalon papo ito habang naandar ang jeep sa tapat mismo nang palengke. Nagsisigawan po mga bata habang may komosyon pero ang driver daw po hindi sila pinapansin. Hangat di bumaba yung 3. Nakuha po ang wallet ni **** at pendant na suot ni ××××. Pag dating sa kfc south station dun bumaba yung 3 parang walang nangyari saka dun din bumaba yung bata para balikan nila yung si ####### na tumalon sa tapat nang palengke. Nung nakita napo nila sa takot nila dumerecho nalang po sila sa festival mall at asa paligid pa yung 3 at para nadin mag sumbong saakin. at saka ko po naireport ko po sa GC kagabi. Saka ko napo din sila sinamahan sa police station.

Nag ikot po kami nang pulis sa venue kung may cctv. Meron po pero nakakalungkot po at hindi napo ito nagana. Pero according po sa investigation ang result po MODUS daw po.

New MODUS daw po is mag proprovoke yung iba nang away. Habang may gulo dun daw po gagawa nang paraan para makapang nakaw yung iba. At ganun nga po daw nangyari. di namalayan ni **** na wala na yung wallet nya saka na lang nila nalaman nang asa festival napo sila.

Pasalamat na lang po tayo na walang seryosong nangyari sa kanila. Pero sa ngayon po still on the lose ang mga suspect na 3 binatilyo. In short di padin po safe sa alabang.

Pansamantala po muna paiwasan sa mga anak po natin ang alabang na sila sila lang magkakakaklase. Kung maari natin sila samahan o tayo na lang ang bibili at kung kinakailangan gawin po natin ito hanggat wala pang update o news sa case at masabi natin sa safe na ang alabang.

Again po isa po itong leksyon sa mga bata at saatin nadin mga magulang. Hindi po safe sa labas at na experience napo nila nang wala sa oras. Kung meron mga practice alalayan na lang po natin sila o Paaalalahanan mga bata na umuwi nang maaga o kung kakayanin pa sunduin pa sila. Uulitin ko po mas importante ang welfare nang mga bata kaysa sa grades.”

 

We hope the authorities can look into this. In the meantime, let us all be wary and always alert.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.