Overcharging ng mga tricycle drivers sa Las Pinas, hindi itinanggi
From rmnnews.com:
Sa Las Pinas – inamin ni B-F Toda Las Pinas Chairman of the Board ng Alex Dominguez ang reklamo ng ilang residente na sobra-sobra ang paniningil ng mga trike drivers sa kanilang lugar.
Nauna nnag inreklamo sa DZXL na aabot sa 18 pesos ang sinisingil kada pasahero.
Subalit sa interview ng Alarma Sa Umaga, lumalabas na mas mataas pa ang minimum fare kada pasahero dahil aabot ito ng 21 pesos.
Gayunman, maari lang itong mabawasan kung maraming kasabay ang isang pasahero.
Ipinaliwanag din ni Dominguez na bukas ang kanilang opisina sa mga nais mag-reklamo kung sakaling may mga driver na nananamantala sa paniningil ng mataas.
Kinlaro rin ni Dominguez na dedepende ang taas ng singil sa biyahe ng isang pasahero sa layo ng destinasyon nito.
Nagrereklamo kayong mga taga-BF na mataas ang singil sa inyo ng tricycle? Subukan ninyong sumakay ng tricycle ng PLTODA sa Pulanglupa at nang malaman ninyo kung ano ang ibig sabihin ng overpricing. Mura pa ang binabayaran ninyo dyan sa BF, kung tutuusin. Mas garapal ang mga tricycle na sakop ng PLTODA at yung TODA sa Casimiro (red and yellow)…
Oras na para iregulate ng TRU ang presyuhan ng biyahe ng mga tricycle. Mataas man ang presyo ng gasolina, pero hindi ito sapat na rason para maging garapal ang mga driver at operator. Isipin ninyo na kayo din ang mawawalan ng pasahero pag nagkataon. matagal na nga na mungkahi na magkaroon ng shuttle service sa Naga Road sa Pulanglupa dahil sobra talagang maningil ang mga tricycle doon. Nakakapagtaka lang din kung bakit karaniwan sa Pulanglupa ang nananalo na kapitan de barangay ay mga tricycle operator…
Ganun rin sa Zapote TODA..Minsan mas ok pa maningil yung mga kolorum kasi tapat yung presyo
Add ko lang po Zapote TODA. Aside from the high fare they are charging di pa tumutupad sa policy na kapag special trip at nagbabayad ka ng buo, di na dapat magpasakay…maraming trike na nagpapasakay pa rin
magtatataka ka pa… ako nga lalong nagtataka kung bakit tumatataas ang pasahe, lalo dito sa san antinio 17….pati palabas may pila, dapat wla na. at sino ang nagaaprove ng pagtaas ng pasahe.
Sa Pilar Village Terminal naman, kapag pauwi, supposedly special yun (automatic). Pero pagsakay mo, magpapabackride pa sila sa tricycle. Pero special parin ang bayaran mo. Ibig sabihin, imbis na 20 lang dapat ang kitain nila sa special trip, may dagdag pa kasi nagpapaangkas sila.
Lugi ang nagspecial. Nagbabayad kami ng buo (2.5x the normal fare) para sa special trip pero may kasabay parin kami sa byahe.
ganyan din sa alabang. P8 ang pamasahe e wala pang 4km ang kalsada. tinalo pa ang mga jeep.
Subukan nyo sumakay sa TRODAC Dito sa dasmarinas cavite grabe sa kupal ang mga tricycle driver kung sumingil ng pasahe 25 pesos kaya tiba tiba ang nga tricycle dito nireklaamo na ito pero wala aksyon ang munisipyo ng dasmarinas kawawa ang mga pasahero mas lalo ang estudyante dahil sa mga kupal na tricycle driver ng TRODAC…
anybody knows the contact number of BF Toda office?
anybody knows the contact number of BF Toda office?