“Pahid Mantsa Gang” strikes anew in Muntinlupa
Are you a jeepney rider? Do you have loved ones who are commuters?
Then read on and share this article with your friends so you won’t be the next victims.
Facebook user Aliah Cruz narrated how she was almost victimized by members of what we shall call “Pahid Mantsa Gang”.
Please read her story below on what happened sometime last March 13:
I just want to share my experience to all of you at para maging aware na rin kayo.
SA MGA TIGA MUNTI DYAN NA NABYAHE NG PA-LAS PIÑAS MAG INGAT PO KAYO.
Kaninang umaga sumakay ako ng jeep sa may bandang alabang palengke *yung sa paikot* pag sakay ko sa jeep sa kanan may nag alok saking kuya ng upuan dun ako napaupo sa malapit na babaan. Nag earphone lang ako pag katapos ko magbayad tapos nung nasa bandang north gate na kami si kuyang nasa left ko kinalabit ako sabi niya sakin neng merong sauce yung jacket mo (suot ko yung jacket).
Nung una di ko pa siya naririnig kasi nga may earphone ako tas pag silip ko meron ngang sauce yung jacket ko (sauce ng siopao) na pati yung buhok ko nalagyan din sabi ni kuya “napasandal ka ata”. Nung una mag thankyou pa dapat ako kay kuya kasi concern siya. Pero paulit ulit siya kaya medyo nakapansin na rin ako ng kakaiba nakakapagtaka lang din kasi wala sa likod yung sauce nasa loob ng hood ko sa may gilid.
Habang hinuhubad ko yung jacket ko nakita kong parang nag sesenyasan si kuyang nasa left side ko atchaka si kuyang nasa right side ko then pag harap ko nakita kong nakabukas na yung bag ko na for sure binuksan ni kuyang nasa right side ko naparang aamba na yung kamay niyang may kukuhain sa loob ng bag ko kaya dun na nag sink in sa utak ko na modus nga yon.
Tapos chineck ko agad yung phone and wallet ko. Nung nagpreno yung jeep, si kuyang nasa harap ko ang oa ng reaksyon na nadala siya ng preno yun pala may balak din siyang dukutan yung katabi niya. Dahil wala silang nabiktima si kuyang nasa harap ko gagawa ng eksena na kunyari mag aaway sila nung katabi ng nasa right ko, iba yung lenggwahe na ginagamit nila .”kanina ka pa” yan lang yung naintindihan namin pero ang weird naman nun bigla bigla mang aamba ng suntok sa loob ng jeep?
Tapos nung baba na sila sa ATC sabi ni kuyang nasa right ko sabay sabay na daw sila yung huling lalaking bumaba sinabihan yung pasahero na wag na daw sumabay sakanila. para ipamukha samin na si kuyang pasahero kasama nila mang modus.
Lumelevel up na mangdurukot ngayon mga nakapolo na at hindi mo mahahalata sa mukha nila na may ginagawa silang masama siguro mga around 30 yung mga lalaking yun. Thank God na lang at walang masamang nangyari sakin at naging alisto ako.
Kaya to all commuters out there doble ingat tayo!
In addition, Aliah had this message to the men who tried to rob her:
TO 4 BOYS NA NANG MOMODUS/MANGDURUKOT SHAME ON YOU PO HINDI PO TANGA NABIKTIMA NIYO. MAGTRABAHO PO KAYO PARA MAGKAPERA KAYO HINDI YUNG KAAGA AGA PURO KATARANTADUHAN GINAGAWA NIYO. KUNG IPAGPAPATULOY NIYO YAN MAKE SURE NA NAKAPAG WORK SHOP NA KAYO KULANG KAYO SA ACTING SKILLS MAS MAGALING PA AKO SAINYO EH. AND TO YOU KUYANG NAGTAPON NG SAUCE SA JACKET KO ANG KAPAL NG PES MO DUMIHAN SUOT KO IKAW BA NAG LALABA? QQL NIYO KO.
Let this incident serve as a warning to everyone who commutes or even those who don’t as this can happen anywhere like convenience stores, fastfood outlets and groceries, among others.
We also hope there will be enough police visibility especially in places where incidents like these are prevalent as this was the second time we’ve heard about this in the same area this year.
Recent Comments