PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong telecom modus na “robocalls”
From msn.com:
By Kurtney Reyes
May bagong telecommunication scam naman ngayon ang kumakalat ayon sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG). Ang modus na ito ay tinatawag na “robocalls” o tokhang telecom fraud.
Nalaman ng KAMI na sa fraud scam na ito ay makakatanggap ng tawag ang isang tao at may maririnig na voice recording ng isang babae na magsasabing nasangkot ang may-ari ng phone sa ilegal na droga.
“Paalala: Ito ang departamento ng pulisya ng lungsod para sa iyong kaalaman na kasalukuyang nasangkot ka sa isang nakabinbing kaso ng ilegal na droga.”
Ayon naman kay Chief Inspector Joseph Villaran, i-re-redirect daw ang tawag sa isang police officer at ipapasa muli sa isa pang police officer para sabihing totoo diumano ang tawag.
Base sa report ng ABS-CBN News, nagbigay ng babala ang PNP-ACG sa publiko at pinatawang ang telco companies na Smart, Globe at PLDT upang makipagtulungan sa modus na ito.
Naniniwala naman ang telco companies na random ang pagpili ng mga sindikato kung sino ang tatawagan. Ayo sa Head ng Sector Relation ng Globe Telecom na si Robert Bobby Aquino, siya mismo ay nakatanggap ng tawag na may recording nga ng babae at nagsabing sangkot siya sa kaso ng ilegal na droga.
May mga paalala rin ang PNP-ACG, kapag nakatanggap ng ganitong tawag ay huwag na ituloy ang pakikipag-usap at ibaba na ang tawag. I-screenshot ang text message o ang call log. At saka naman magreport sa pinakamalapit na police station.
Noong November last year ay nakipagtulungan ang Chinese police sa PNP dahil sa diumano modus ng mga Chinese at Taiwanese na ang IP address ay nasa Pilipinas. Sa modus na ito ay nagpapanggap sila bilang pulis, prosecutor o judge para sa mga biktima nila sa China.
Sasabihin sa modus na sangkot ang isang tao sa kasong involved diumano ang cellphone number nila kaya naman upang matulungan raw ay kailangan nila magbukas ng bagong account. Kapag nabukas naman ng account at matapos mag transfer ay diretsong mata-transfer na ito sa account ng mga sindikato.
Recent Comments