Red Tide Alert in the area; Refrain from buying seafoods first
NAALARMA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na posibleng tumagal pa ang Red Tide Alert sa bahagi ng Bataan at karatig lugar nito dahil sa lawak ng apektadong lugar.
Ayon kay BFAR Assistant National Director Gil Adora, tututukan nila ang naturang insidente dahil maraming lugar na ang nakontamina ng red tide na lubhang mapanganib sa mga residente.
Inabisuhan rin ni Adora ang mga mangingisda na iwasan muna ang paghuli at pagbenta ng mga isda sa mga apektadong dagat dahil sa mataas na toxicity level nito.
Nagkaroon ng negatibong implikasyon ang pagkalat ng red tide sa mga residente partikular na sa mga maliliit na mangingisda kaya’t sisikapin ng lokal na pamahalaan maging ang BFAR na kaagad masolusyunan ang naturang problema.
Samantala, patuloy na minomonitor ng BFAR ang tatlong lugar tulad ng Cavite, Bulacan at Parañaque sa posibleng pagkalat ng red tide.
We saw in a report in Umagang Kay Ganda this morning that the “Bulungan” Market along Coastal Road has been affected by this news as there were only a few buyers who had been visiting the market the past few days.
Guys, maybe we can avoid buying seafood just to be extra safe.
Recent Comments