Reminders for police checkpoints

MGA DAPAT TANDAAN SA POLICE CHECKPOINTS

1. Maliwanag dapat ang checkpoint at naka-uniporme ang nagbabantay na personnel.

2. Kapag pinalapit sa checkpoint, bagalan ang takbo ng sasakyan, patayin ang headlights at buksan ang cabin lights. Huwag lumabas ng sasakyan.

3. I-lock ang mga pinto. Visual search lang ang pwedeng gawin ng mga pulis.

4. Huwag pumayag sa body search.

5. Hindi ka obligadong buksan ang iyong glove compartment, trunk o bag.

6. Kung magtatanong ng routine questions ang mga pulis, sumagot nang magalang.

7. Panindigan ang iyong mga karapatan at huwag mag-panic.

8. Tiyaking madali mong makukuha ang iyong driver’s license at mga papeles sa car registration.

9. Laging ihanda ang cellphone.

10. I-report agad kung nilabag ang iyong mga karapatan.

Source: PNP-PIO

You may also like...