Security and Safety reminders from LP Mayor

In cooperation with Las Pinas Police Chief S/Supt. Romulo Esapitula, Mayor Vergel “Nene” Aguilar last week gave out flyers to residents of the city with tips on how not to fall victims to dangerous elements especially the well-trained and notorious gangs operating in the metro at present.

1. Ikandado ang lahat ng pinto at bintana; tiyakin na walang dadaanan ang sinuman na may tangkang pumasok at magnakaw.

2. Mainam kung may alarma para sa magnanakaw upang maalerto ang mga kapitbahay kung may nakapasok sa kabahayan o kaya ay maglagay ng kamera (CCTV) sa inyong bakuran.

3. Iwasan mag-iwan ng mensahe sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao sa loob. Mainam din na iwanan na bukas ang radyo para kunwari ay may tao sa loob ng bahay.

4. Itagubilin sa pinagkakatiwalaang kapitbahay o sa guwardiya ng iyong barangay, village ang inyong bahay at ipaalam din kung kailan kayo babalik.

5. Tiyakin na walang naiwan na nakasinding kandila, bukas na electric o gas stove o tumutulong gripo ng tubig at nakasaksak na appliances.

6. Iligpit ang anumang mahalagang bagay o pag-aari sa labas ng bahay na maaring nakawin tulad ng mga damit sa sampayan o bisikleta o sasakyan.

7. Ugaliin na ipaalam sa miyembro ng pamilya ang lugar na pupuntahan. Alamin din ang mga lugar na madalas pinupuntahan ng nga minamahal. Kilalanin ang mga kaibigan at mga taong madalas na kasama nila.

8. Siyasating mabuti ang personalidad ng kahit na sinong taong balak kuning bilang driver, yaya, katulong, hardinero o security guard. Hingan sila ng clearance sa pulis, NBI at barangay.

9. Sa pagsagot ng telepono, huwag ibigay ang pangalan at importanteng impormasyon sa taong di kilala. Laging isulat ang pangalan ng tumawag at ang kanilang mensahe kasama na din ang petsa at oras ng tawag.

10. Maglagay o magpaskil ng listahan malapit sa telepono na naglalaman ng mga numero ng pulisya, barangay, ospital at iba pa ng inyong lokalidad.

11. Ilagay ang alagang aso malapit sa pasukan ng inyong bakuran kung kayo ay aalis at walang maiiwan sa inyong bahay.

12. Kung makatanggap ng tawag sa telepono na nagsasabing naaksidente ang isa sa miyembro ng inyon gpamilya, agad na makipagugnayan sa pulis.

13. Huwag papasukin sa loob ng bahay ang di kilalang tao kung ito ay makikigamit ng telepono. Kayo na lamang ang tumawag sa telepono para sa kanila.

14. Kung makatanggap kao ng maling tawag sa telepono, huwag ibigay ang inyong pangalan o number ng telepono.

15. Kung makatanggap kayo ng malaswa o bastos na tawag sa telepono makabubuting huwag na itong kausapin.

16. Kung may makita o marinig na kahinahinala, tumawag agad ng pulis.

“Tungkulin nating lahat hadlangan ang krimen. Sama-sama natin labanan ang Akyat-Bahay!” the mayor said.

You may also like...

No Responses

  1. Kristine Dalpatan says:

    Fyi, the Police Chief’s correct surname is “Sapitula”, not “Esapitula”. He helped our NGO in our projects before. Great guy. See links below:

    http://www.ineedalifeline.org/2010/05/walk-for-h-o-p-e/

    http://www.manilastandardtoday.com/insideMetro.htm?f=2011/january/31/metro1.isx&d=2011/january/31

  1. January 24, 2011

    […] This post was mentioned on Twitter by mysfac, alabang bulletin. alabang bulletin said: Security and Safety reminders from LP Mayor http://tinyurl.com/67n86wu […]