SM, nagbahagi ng tulong sa mga empleyado at health workers
Sa hinaharap na krisis na sanhi ng COVID, ang kapakanan ng mga empleyado ay pangunahing layunin ng SM.
Sa panahon ng Enhanced Community Quarantine mula March 17 hanggang April 12, 2020, ang mga empleyado ay makakatanggap ng kanilang karampatang sahod. Hindi rin mababawasan ang kanilang Vacation at Sick Leaves.
Ang mga Rank and File hanggang Department Managers na patuloy na nagtatrabaho sa mga bukas na tindahan sa lugar na apektado ng quarantine at doon sa mga bumubuo ng skeletal force na mahalaga o “crucial” sa pagpapatakbo ng negosyo ay bibigyan ng karampatang premium pay.
Nagbigay rin ng tulong ang SM sa mga kawani ng mga kumpanyang patuloy na nagseserbisyo sa SM katulad ng mga security guards at janitors. May pahatid tulong din ito sa mga promodizers.
“Sa panahon ng pagsubok na ating kinakaharap, kailangan nating pahalagahan ang ating frontliners at ibigay ang kanilang pangangailangan upang maprotektahan sila at ang kanilang pamilya, nang patuloy silang makapagsilbi sa ating komunidad,” pahayag ni Hans Sy na kumakatawan sa pamilyang Sy.
Ang SM Group ay nag-allocate din ng P100M tulong para sa protective equipment, testing kits, disinfectant, para sa mga health workers.
Recent Comments