Snatcher, pinanigan pa ng pulis Parañaque
Published : Wednesday, October 09, 2013 00:00
Written by : Edd Reyes (From his column On The Beat in www.journal.com.ph)
Ang masakit, mukhang kulang ang aksiyon ng pulisya laban sa mga snatcher at Salisi gang dahil karamihan pala sa mga ito ay pawang mga menor-de-edad na sakop pa ng batas sa ilalim ng Juvenile Justice Welfare Act.
Kamakailan nga raw ay mismong ang biktima ang nakahuli sa binatilyong snatcher at dahil sa tindi ng galit ay nasaktan ng lalaki ang menor-de-edad na snatcher.
Ang resulta, ang biktima pa ang gumastos para aregluhin ang nasaktan niyang snatcher dahil kinampihan daw ng pulis ang binatilyong suspek.
Tinakot pa nga raw ng pulis ang biktima at sinabing nasa labas ng presinto ang mga kamag-anak na Muslim ng binatilyong snatcher na handang manakit sa oras na hindi nito inareglo ang snatcher.
Anak ng tokwa, saan pa tatakbo ang mga nabibiktima ng mga menor-de-edad na snatcher, holdaper at Salisi gang kung pati pulis pala ay kinakampihan ang mga ito? Kailangan pa ba ang aksiyon ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte upang mapatino kahit kaunti ang Baclaran?
Recent Comments