Suspek sa pananaksak at pagnanakaw sa isang cable subscriber, sumuko na
From dzmm:
Sumuko na ang suspek sa pananaksak at pagnanakaw sa isang cable subscriber sa Muntinlupa City.
Ayon kay Muntinlupa Police Chief Roque Vega, sumuko si Rommel Mendoza sa mga tauhan ng Intelligence Section ng Muntinlupa Police sa Festival Mall sa Alabang.
Napilitan anyang sumuko si Mendoza dahil lahat ng mga kaanak nito na kanyang pinupuntahan ay gwardyado ng mga pulis.
Inamin naman ni Mendoza ang krimen pero iginiit na pagnanakaw lang talaga ang pakay niya pero nataranta nang manlaban ang biktima kaya niya ito pinagsasaksak.
Si Mendoza ay repairman ng kumpanyang Erat Tech, ang third party service provider ng Sky Cable. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42
Recent Comments